Opinyon
Isports
Lokal
Internasyonal


All happenings have their own reason to exist, pero lahat ba ng bagay ay may literal na paliwanag?
Libangan
Tsina, tinalo ang Gilas Pilipinas sa 2015 FIBA Asia championship
October 06, 2015
Hindi nagtagumpay ang Gilas Pilipinas upang makamit ang inaasam-asam na kampeonato matapos silang talunin ng koponan ng China sa iskor na 78-67 pabor sa China noong ika-3 Oktubre, 2015. Ang ipinakitang athleticism ng mga manlaaro ng Tsina. Ang homecourt advantage pa nila ang nagbigay tensyon sa mga manlalaro ng Pilipinas.

If it doesn't challenge you,it wont change you...
Nakakatuwang
Proseso ng
Paggawa ng 'Trailer'
Hango sa nilikha naming dokumentaryo, kung saan dahil sa sobrang pressure ika nga ay nakatuwaan naming gumawa ng parody nito. Nakakalokang maging parte ng buhay kolehiyo ngunit masaya dahil kasama mo naman ang mga kaibigang may mataas na pagpapahalaga sa buhay, enjoy!

Multong Propesor
Ang bawat taong ipinapanganak sa mundo ay may kanya-kanyang responsibilidad. Upang mahubog ang kanyang pagkatao at maging kapakipakinabang sa ating komunidad, kailangan nitong mag-aral. Nagsisimulang matuto ang isang bata sa loob ng tahanan at ang pamilya ang una nitong gabay upang maging edukado. Pagkalipas ng ilang taon, kailangan ng batang ito na mas lalong matuto sa pamamagitan ng pag-aaral sa paaralan.
Maraming mga guro ang gumaganap sa kanilang tungkulin na ibahagi sa kanilang mga estudyante ang kanilang karunungan at maging isang magandang modelo sa mga nakararami.
Sa aking obserbasyon sa magulong mundong ito, may mga propesor sa mga kolehiyo parin ang sadyang walang pakialam sa kanyang mga estudyante. Sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas, bawat isa ay maagang pumapasok sa paaralan at sabik na matuto, mayroon pa ngang iba na nagtatrabaho na at pilit paring pumapasok kahit puyat upang makapagtapos, sa madaling sabi nais ng mga bata ang makatanggap ng karunungan sa mga propesor. Ngunit bakit ang ilan sa kanila ay bilang sa ating mga daliri kung pumasok, isang beses sa isang linggo na nga lang sila kailangan pumasok pero wala talaga silang pakialam. Nakakalungkot isipin dahil sila ay tumatanggap ng pera mula sa gobyerno kapalit ng kanilang serbisyo. Pumapasok lamang sila upang magbigay ng pagsusulit sa mga bata. Kamang-manghang taktika nga naman, hindi sila napapagod sa perang kanilang kinikita.
Mahirap magbitaw ng pangalan dahil ako po ay kasulukuyang mag-aaral sa PUP at takot ako na baka matanggal sa unibersidad. Mayroon din akong propesor na kapag pumapasok, nagbibigay ito ng mga paksa upang i-report ng bawat grupo pagkatapos mawawala na naman siya sa susunod na mga araw. Isang kalabisan ang kanilang ginagawa. Hindi ko mawari kung paano nila ginagawa ang aming mga grado. Ano ito hulaan o roleta? Humanda kayo at kapag ako ay nakapagtapos, gagawa ako ng paraan upang maibahagi ng maayos ang aking sintimyento.
October 25, 2015
'Puso' vs. 'Luto'
Wagi ang Tsina sakanilang ginawang ‘cooking show’ sa 2015 FIBA Asia championship laban sa Gilas Pilipinas sa isakor na 76 67 Changsha, China. Hindi katanggap-tanggap ang ginawang pandaraya ng koponan ng tsina sa Gilas, nagpapakabulag ang mga referee sa mga nagawa ng mga kamalian ng kopanan ng Tsina tulad ng foul at travelling violations nawalang tawag. Parang walang load ang mga referee na ito kaya hindi nila mapituhan ang Tsina.
Usapang isports
October 08, 2015
Pinahanga ng pinay girl group ang mga manonood ng 'X-Factor UK'
Ang apat na magkakapatid na lumaki sa Isabela ay nangingibabaw sa listahan bilang pinakamagaling na nagawdisyon sa ika-12 na edisyon ng X-factor UK. Ang magkakapatid na sila Mylene, Celina, Irene and Almira ang binubuo ng grupong tinatawag na "4th Power" ng banyagang bansa ay sadyang nagpamalas ng sa pag-awit at pagpe-perform sa insternasyunal na entablado. Kanilang inawit ang sikat na kanta na 'Bang Bang' na orihinal na kinanta nila Jessie J., Ariana Grande, at Nikki Minaj.
October 07, 2015
Elizabeth Ramsey, namapayapa na sa edad na 83
Dalawang buwan na ang nakakalipas nang magkaroon ng ilang komplikasyon sa kalusugan kabilang na pag-atake ng 'hyperglycemia' o pagtaas ng glucose sa dugo, tuluyan nang namaalam ang batikang aktres at komedyante na si Elizabeth Ramsey ngayong Huwebes, ika-8 ng Oktubre.

Labanan ng 'ratings';
GMA 'versus' Abs-cbn
Ni: Hazel Gane Pilapil
Talaga nga namang pinuputakti na ngayon ng mga komento at mga kritiko mapasiesta man o social media ang pagarangkada ng mga bagong pakulo sa tanghali sa dalawang magkalabang network. Pero siguro, dahil sa nauna nang umere ang kalye seryeng pinagbibidahan ng tambalang ALden-yaya DUB sa GMA 7, nadaig nito sa ratings ang PASTILLAS naman ng ABS-CBN. Mapapasaltak ka nga naman dahil mas umiinit na ngayon ang isyu sa pagitan ng dalawang magkatunggaling network. Kamakailan nga lamang ay nagpalitan ng maaanghang na tweet sa social media si Vice Ganda at Joey De Leon. Nakakaloka dahil itong si vice ay mapagkumbaba at di mapaghamon ang kanyang mga post kaiba sa ugali niya sa pagiging mapanlait ngunit ito namang si joey na kilala na sa pagiging mapagpatol ay walang sawang nagpaparinig sa kanya. Kung magbabalik-tanaw kayo, ang Showtime noon ay pumalo rin sa mataas sa ratings dahil sa ibat-iba nilang pasabog ngunit nag-iba ata ang ihip ng hangin dahil ang kinakikiligang love-team ngayon ay binansagan talagang AL-DUB NATION dahil sa dagliang pagusbong at pagsikat sa pilipinas. Ngunit anu't- ano pa man ay hindi dapat lumaki ang ulo ng taga-siete dahil baka dumating na naman yung time na malugi ulit ang show nila. Naku lang ha!
Halimbawa ng nagbabagang tweet ni joey laban sa Showtime
Malinaw na malinaw naman sa mga mata ng kababayan natin, na pinaparinggan ni joey ang show nila vice, kasagsagan noon ng A-DUB ng tumambad sa katapat nilang kalye serye ang PASTILLAS, as in hello no? halata naman kasi ang panggagaya nila nang habulin ng isang manliligaw si pastillas girl sa broadway na siyang saktong-sakto sa ginawa ni alden kay yaya dub. Pero darating rin ang time na makakabangon ang dos, sa TAMANG PANAHON ika nga ni lola ni Dora, aja!
