SAMPUNG URI NG COLLEGE STUDENTS
Ni Mary Hanna Laynesa
1. TEAM LIKOD- sila ang mga estudyanteng palaging nasa likod nakaupo, sila ang madalas nag-iingay o kung hindi man, dito mo makikita ang mga gumagawa ng kababalaghan at milagro. Dito madalas nangyayari ang kopyahan, tanungan o pasahan ng sagot, yung mga naglalaro, atbp.
2. TEAM HARAP- kung may Team Likod, syempre mayroon ding Team Harap, sila naman ang madalas na mga tahimik, madalas na may heylo sa ulo. Maliban sa dahil nasa harapan nila ang propesor, mababait talaga sila (Weh di nga?). Madalas sila lang ang kausap ng prof.
3. MGA GABINETE NI EL PRESIDENTE- sila ang mga kampon ng pangulo, madalas kasama ng presidente ng klase, madalas na inuutusan, kung hindi kaya sumipsip sapropesor…sumipsip sa pangulo. Tagasulsol na ipa-extend ang deadline ng submission dahil mga kampante na ‘di gumagawa agad dahil malakas naman daw sila.
4. MGA KATIPUNERO/KATIPUNERA- sila naman ang mga aktibista nating kaklase, madalas nasa liban ng klase dahil nasa rebolusyon…biro lang nasa rally, o nasa pagpupulong nila, minsan ‘di ko rin alam.
Mga Anti-Government hindi lang ng bansa, kundi ng pamahalaan sa loob ng unibersidad.
5. GRADE CONSCIOUS: 100% - sila ang mga GC sa puso, sa salita, at sa gawa. Ang nakakatuwa minsan, kapag niyaya mo pumunta sa isang event ng pamantasan kahit para sa libangan lamang, agad na tanong: “May attendance ba ‘yan?”
6. PABEBE GIRLS- sila ang mga pa-sweet at puro ganda, pagdating sa test, NGANGA.
7. PABEBE BOYS- ang mga lalakeng puro porma, puro pa-cute, madalas kasama ang mga Pabebe Girls.
8. KAPISANAN NG MGA ILLUSTRADO- hindi sila nag-aral sa ibang bansa, pero kung umasta, ganon.
9. ANG MGA BURGIS/BOURGEOISIE- sila ang mga may-kaya. Mayayaman sa klase, malalaki ang baon, maraming gadgets, o di kaya Inglisero/Inglisera. Mga sosyal. Pwede ring pa-sosyal.
10. KONSEHO NG MGA WALANG PAKIALAM- group work, meeting, program, event, hindi nila alam?
O wala silang pakialam. Sila ang mga manhid, na hindi tumutulong, kapag kinausap mo parang pader ang kausap mo, parang hindi mo ramdam na kasama sila sa klase dahil nga wala silang pakialam.
Ikaw be? Saan ka kabilang?