top of page

Libangan

Behind your back

Ni Hazel Gane Pilapil

My first night.My first ever experience as an assistant nurse,...actually pinaganda ko

lang naman yung term,...the"assistant nurse":DD,alam kong hindi angkop sa edad ko na 17,pero serve as a practicum,sakin lang ah?.....Gusto nyo pang malaman yung reason?syempre naman oo,kahit ako mismo gusto kong malaman….………akala ko talaga knowledge about nursing care ang inabot sakin,let's say meron naman kahit papano…

    Pero Hindi talaga eh....kundi TAKOT

......he he Hindi pa talaga kayo nagsisimula.....<<<<>>>>

$ige you can start now:))))))))that's what you called"INTRODUCTION"

Naoverwhelm ata ako nung narinig ko yung sinabi ni mama na pwede na akong magsimula magbantay Kay nanay ……dun sa amo niya,sa totoo lang may kasama naman ako eh,yung mga professional nurses....Pero Hindi lahat……………scheduled Sila

every other day.

          "may bayad ba yun ma?"

     "syempre naman meron, papayag ka ba kung wala?"

HAHAHAHA!kilala talaga ako ng nanay ko,wais ata toh.

             E Kundangan naman kasi,hinto ako sa pagaaral...not specifically hinto but hindi pa nakatungtong ng college exactly.NaStroke kasi yung amo ng mader ko,iba na talaga pag pumuputi na ang buhok,and then kailangan ng mga nurse ng katulong to assist them.E sakto,para naman may magawa.... pumayag na ko,....pera din yun.

"kaya mo ba iha?"si kuya mee,anak ni Nanay

       "opo,kayang kayang kaya"

"pwede naman matulog iha,gigisingin ka na lang pag umihi na si nanay"

     Hindi matapos-tapos na paalala,at paalala,……………………………syempre hello?compared naman ako dun

sa mga kasama ko na nakatapos na ng kolehiyo,.....mga hasang hasa na.

                 Madali ko naman nakapalagayang loob yung ka-duty ko,sobrang bait niya.Dami nyang itinuro tungkol sa Home Nursing,College life nya,love life,personal....and so on and so on,.....natatandaan ko ,……………narito nga pala ako,para umassist……at Hindi makipagtsikahan… :DD

Time pass by.………kaloka!....tinatablan na ko ng antok……………buti nalang,tulog tong pasyente namin,

iba talaga yung way ng pagpapakain sa kanya,sa pagihi,at sa paghinga....

        buti nalang andali kong turuan …fast learner ika nga(lol!)

teka.….…anung oras na ba?......

             

Magaala-una na pala,..mas nauna pang nakatulog sakin tong Kasama ko hahaha,sabagay namamahay talaga ako,lalo't first time ko lang dito…

                       lumabas muna ako sandali ng kwarto. Feel ko talaga,nakakulong ako..Inobserbahan ko yung buong bahay, maihahalintulad siya sa condo unit,Hindi                  mapagkakailang napagkalooban ng karangyaan itong bahay na ito.Sabagay,mahal.    nga magpaalaga ng matanda e,....iba talaga

   Papasok na sana ako ng kwarto,Ng may narinig ako

        "TOK TOK TOK"

actually Hindi sya katok na gawa sa tunog mula sa mga kamay eh……kundi sa boses ng babae..

Hindi ko pinansin,ang weird naman kasi e,bakit Boses?????

"TOK TOK TOK TOK"

         tang ina lakas naman ng trip Neto,sinulyapan ko yung kasama ko atsaka pasyente namin,tulog na tulog,,,........e kasagsagan naman kasi ng madaling araw eh, naturalmente tulog na nga dapat ako.

"Hindi mo ba bubuksan?"

              hala sya,...kinarir na ni ate...sinagot ko nga pabalik,kala niya siguro duwag ako

            "sino ba yan,kaistorbo ehhhh"

"basta buksan mo nalang"

"ayoko nga,Malay ko bang masamang loob ka?"

"ayaw mo talaga?"

……………strange feeling.………….pero kinilabutan ako sa isinagot niya,walang pakundangang pumasok na ko sa kwarto namin…………ewan ko Pero parang sasabog talaga yung ulo ko…………………

anlamig kasi ng bosses niya,………………………parang hinugot sa ilalim ng lupa………peste talaga oo,tiningnan ko yung kasama ko,.....

    tulog pa din,Sa sobrang takot ko .........nagdesisyon na akong gisingin siya,....Pero………… Pero..Hindi ako makagalaw,fuck!letse...what's going on?alingawngaw ng konsensya Kong baliw....

"ayaw mo ba talaga?"

........Yung boses na yun,      kung Hindi ako nagkakamali ……………sa likod ko nanggagaling yung tunog…………

………………naging blangko na yung utak ko,nakapagtatakang hawak ko pala yung celphone ko…………weird Pero,kahit hindi iniutos ng utak ko na itaas iyon paharap sa mukha ko ,e iniharap ng mga kamay ko ang   screen netoo………………

at nangyari na ang hindi dapat mangyari....

   

       6:25

"kuya, anong nangyari sa anak ko?!!".          narinig kong hagulhol ng Nanay ko

nabungaran ko naman ang mukha ni kuya mee, ang kasama ko,at si mama,..........

alalang alala ang mga mukha nila……

"iha,anong nangyari sayo?diba Sabi ko pwede naman matulog gigisingin kanalang?'

Nagtatanong ang mga mata ko Kay mama.Ibinalik nya sa kin ang mukhang alalang-alala.I feel some fishiness here,mukhang may itinatago sila ah.

           "kuya,baka naramdaman din niya,Hindi kaya?"yung kasama Kong tulog kagbi nagsalita din sa wakas.

"baka kasi matakot tong batang to eh"nadulas na si kuya mee.

      "ah,ano po ba yung dapat kong malaman?"

Nagkatitigan silang lahat.May something nga dito sa lugar na to,hindi ko alam kung gusto ko pa bang alamin o wag nalang.

   "ah kasi iha,sige sige ikekwento ko na,ahmmm yung magaling pa kasi si nanay,at wala pa yung mga nurses dito,may isa tayong tenant na naktira sa tapat natin ang magisa lang sa buhay,baka kasi hindi ka na magduty eh.."bitin nya.

   "sige po kuya mee ok lang po"

"ah sige ah yun nga,yung babaeng yun,mga madaling araw na nakakauwi dahil sa trabaho,nung isang gabi nga,nung pauwi na siya..may nakasalisi na magnanakaw,nahuli nyang pilit binubuksan yung pinto niya,kaya lang nung nakita siya,inunahan na siya,.Pinatay siya sa saksak sa hallway....."

   

      "ehhhhhh,ahm ano po sunod?

"simula ng nangyari yun,tuwing madaling araw ,lahat ng pinto sa first floor kasama na tayo,eh kinakatok niya,...ang nakakatakot dun,boses yung ginagamit nya at pipilitin ka talagang buksan yung pinto"yung nurse na yung nagpatuloy.

          Nashocked ako.tugmang tugma kasi sa nangyari sakin kagabi,.

     mataman namang nakikinig ang nanay ko,di na ko nakapagpigil,,....isinasalaysay ko na lahat ng nangyari sakin kagabi………with matching teardrops.

"ano,tutuloy ka pa ba?"

Nagisip ako ng matagal, ayoko na,baka matuluyan na ako pag nangyari ulit sakin iyon,first encounter ko talaga yon in my whole life,at yun talaga ang pinakaayaw kong mangyari sa buhay ko.

         Speaking of……………dun Sa part na un,bakit nga ba ako nahimatay?....…………………

………

.

……………

sheet!!!!ayoko na talaga,ayoko na talaga,!!!magmamcdo,jollibee,fast food nalang ako magtatrabahooooo!……………………...wag lang tong part time na to,juice colored, may magalit man,.......masakit mang ikwento Pero

MUKHA NG DUGUANG BABAE ANG NAKITA KO SA SCREEN NG CELPHONE!

thank you for reading this story talaga>>>>>

        Madaling araw ko siya isinulat para mas mafeel ko huehuehue.....

Some other parts of the short story is true...at higit sa lahat....babae po yung first person,sorry kung di ko po namension he he he....thank you po ulit...pag may internet connection po ulit,sulat ulit ako para umunlad yung pilipinas(hahahaha anong connect?)

new face here

 

Takot

Ni Hazel Gane Pilapil

Abala sa pagsasaayos ng mga kagamitan sa eskwelahan si molly.Seryoso ang mukhang sinasalansan niya ang pagkakaayos ng mga papel sa ilalim ng kanyang study table sanhi ng kanyang walang katapusang research papers at theses.Graduating student na sa malaking university ang dalaga.Umaasang maging kabilang sa mga successful architect.19 years old.

Magisa lang siyang naiwan sa dormitoryo ng mga kaibigan niyang party-goers na kapwa niya kakolehiyo.Walang reaksiyong mababasa sa maamo niyang mukha.Masyadong nadala ng kanyang pagkaabala ang mga emosyon niya.

                  "So let the flames begin,so let the flames begin,ohhh gloooorryyy".

Patuloy na pumapainlalang ang kanta ng sikat na paramore.Pampaalis boredom iyon ni molly.Nakakabagot nga namang mag-isip ng mag-isip ng mga lecture kung wala sa atmosphere mo ang presensiya ng musika.Pampadagdag konsentrasyon iyon ng dalaga.Lalo't siya lang ang mag-isa at kung papatayin mo ang tunog ng kanta ay talaga nga namang matutulig ka sa ingay ng katahimikan.

   Magaala-una na ng madaling araw.Malapit ng matapos sa pag aayos ng mga gamit si molly.Wala parin ang mga kaibigan niya.

        "Talaga naman ang mga iyon oo,tsk tsk,nakakatakot pa naman ang mag isa",bulong ng konsensiya niya.

Natapos na sa pagsasalansan si molly.Oras na para sa pisikal na paglilinis.Naisip niya,kailangan niya pang bumaba sa 1st floor para tahakin ang banyo upang maglinis ng katawan.Humanda na siya para sa half bath.Pagbaba niya,dilim ang sumalubong sa kanya.

   Tangan tangan niya sa balikat ang tuwalya,at cellphone kasama ang toothbrush at sabon naman sa kamay niya.Nangangapa ang mga mata niyang pinuntahan ang banyo.Agad na pinindot ang switch ng ilaw.

"Hays,ang tahimik naman,mas maaakit yung mga dark powers lumapit neto eh,makapagsoundtrip nga",napipilitan ng kausapin ni molly ang sarili niya.

   Gumising sa katahimikan ang lagaslas ng tubig kasabay ng pagtunog ng Bohemian Rhapsody ng Queen.Sumabay naman sa tugtog si molly habang tuwang tuwang itinatapat ang katawan sa shower.

  "Goodbye everybody,i have to goooo".

Napalakas na ang boses ng dalaga,lumamig kasi agad ang paligid niya,patuloy na nilalabanan ang takot.Konting proseso na lang at tapos na siyang maglinis.Matutulog na siya tapos wala na.Kinakausap niya pa rin ang isip niya.Dagdag lakas loob na ngang maituturing.Hindi niya na makayanan ang lamig,tinapos niya na ang pagligo,pinatay ang music.

    Biglang tumunog ang cellphone.May tumatawag.

"Bwiset namang ring tone to,nakakatakot naman",napagtripan niya kasing gawing ring tone ang isa sa trending tone ng isang horror movie na "The Conjuring",plano niyang panakot sa karoom-mate niya.

      "uhmmm,hello?".

"Gusto mo bang malaman kung paano ka mamamatay?".

"Sorry ah,wrong number ka ata".

Natakot ang dalaga sa tanong ng tumawag.Babae ang caller.Malamya ang boses.Waring kulang sa lakas.Tila hinang-hina.Para bang galing sa ilalim ng lupa.Napagisip-isip ng dalagang baka nandito na ang mga kaibigan niya at pinagtitripan siya.Sumilip siya sa labas ng bintana.Nagaakalang nasa labas lang ang mga kaibigan at nagtatago.Wala siyang maaninag.Masyadong madilim.

      Binalik niya na lang uli sa pagsara.Dali-daling pumanhik sa itaas.Naapektuhan siya ng husto sa tumawag sa tumawag sa kanya.Suot ang kanyang roba,hindi na niya pinagkaabalahang isuot ang mga damit.Pati na ang paggalaw sa sariling kwarto ay hindi na niya magawa sa sobrang takot.Papahiga pa lang siya sa malambot na higaan ay tumunog ulit ang kanyang cellphone.Hindi niya na tinangkang sagutin,pinatay niya agad ang cellphone,isa pang tawag.

"Haysss ang kulit talaga!!".

"Hello sino ba to?kung trip mo ako,wag ngayon kasi inaantok na ko,kaya utang na loob,wag ngayon,di kita masasakyan".

"Kasama mo ako ngayon".

Napatda siya sa narinig,agad na pinanayuan ng balahibo,hindi niya malaman ang sasabihin niya.Linukob na siya ng tuluyan ng sindak.Inaamin niya,duwag siyang tao.Tipikal siya na hindi nanunuod ng mga horror movies.Mahina siya sa ganung bagay.Mahina ang puso niya sa ganun.

Hindi niya na kinaya,tinanggal niya ang battery ng cellphone,pinindot ang seradura ng pinto at nagtalukbong ng kumot.Ang kaninang init na init na katawan ay nanginginig na sa lamig.Abot hanggang kaibuturan.

            Tumunog ulit ang cellphone niya.Kinilabutan na siya ng sobra-sobra sapagkat sa pagkakatanda niya ay tinanggalan niya iyon ng battery.Napaiyak na siya.Sinisisi niya ang mga kaibigang mahilig pumunta sa mga party.Ni hindi man lamang siya masamahan ng mga ito.Nakikiusap nga siya sa mga itong wag siyang iiwanan dahil tiyak magpupuyat siya sa dami ng gawain at higit sa lahat ay takot siyang mga-isa.At ngayon,nagiisa na siya,pinapatay na ng isang di maintindihang nilalang sa kilabot.

Hanggang sa naramdaman niyang bumukas ang pinto at nadama niya ang yabag nito na papunta sa kinalalagyan niya.Unti unting nanikip ang dibdib niya.Kinakapos siya ng hininga.Hanggang sa naramdaman niyang may tumabi sa kanya.Nagtapos ang lahat sa kanya.

       Kinabukasan,nagkakagulo sa kwarto ni stace,ang kaibigan ni molly.Nagising silang malamig na bangkay na ang kaibigan nila.Naabutan pa niyang nakataklob ng kumot ang dalaga.Laki nga ang pagtataka nilang todo balot sa kumot ang dalaga samantalang mainit pa ang singaw ng hangin kahit madaling araw na.

Hindi maipaliwanag ng mga sumuri kay molly kung bakit siya nagkaganun,kahit siya.Iniwanan pa nilang busy ito sa paglilinis ng gamit.Nakokonsensiya nga siya dahil papunta silang bar noon at alam niyang walang makakasama si molly.Halos maglumuhod nga ito sa kanya na wag itong iwan.Suspetsa nilang bangungot ang dahilan ng pagkamatay nito kahit takot ang tumapos dito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

Monologo ng isang pulitiko..

Ni: Hazel Gane Pilapil

        Lusob mga tigang! Sama-sama nating lalansihin at bubulagin ang mga langgam, na walang sawang nagbubulungan sa kasikatan ng araw at sa harap ng kanilang hapag-kainan. Dinudumog nila tayo at sila'y nakikinabang. Ngunit doble pa riyan dahil sila ang ating kakamkaman. Asahan natin ang kanilang mga tinta at tiwala lang, makakaupo tayo sa ating paroroonan. Hahawakan at pipigain ang kanilang mga katwiran.Susubuan ang kanilang mapuputlang bibig katumbas ng pinagpala nilang bulsa. Akina nga ang pabango, iwiwisik ko sa aking pangalan. Para sa bayan, sa bisyo at sa kalamnan. Ihiyaw man nila ang kanilang kalooban, pasasaan ba't nasa atin parin ang huling halakhak.

© 2015 ANGULO nilikha ng mga magaaral ng unang taon ng peryodismo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

  • Facebook Clean
  • Twitter Clean
  • Google+ Clean
bottom of page