Wagi ang Tsina sakanilang ginawang ‘cooking show’ sa 2015 FIBA Asia championship laban sa Gilas Pilipinas sa isakor na 76 67 Changsha, China. Hindi katanggap-tanggap ang ginawang pandaraya ng koponan ng tsina sa Gilas, nagpapakabulag ang mga referee sa mga nagawa ng mga kamalian ng kopanan ng Tsina tulad ng foul at travelling violations nawalang tawag. Parang walang load ang mga referee na ito kaya hindi nila mapituhan ang Tsina.
Samantalang pagdating sa Gilas, napakaselan nila, kaunting dikit lang foul na, at kapag ang manlalaro ng Gilas ay may dalang bola at binangga ng manlalaro ng Tsina, offensive foul pa ang itatawag ng referee pabor sa Tsino. Katulad ng isasanang fast break ni Jason castro, tinakbo niya kaagad ang bola at ng ginitgit siya ng pagdatig sa kalagitnaan na ng court. Siya pa ang napituhan ng offensive foul . Ganyan din ang dahilan kung bakit maagang na-foul truble an gating mga manlalaro.Marami pang ganyan, ng makaagaw ng bola si Gabe Norwood, tinamaan ang mukha niya ng kamay ng isangmanlalarong Tsino, saharap na mismo ng referee. Ngunit nagpakabulaglang ang ref at parang walang nangyari. Napaupo na lamang sa sakit si Norwood pero wala pa din tawag. Ganun din ang nangyare kay Andrey Blatche, wala di padin pito na narinig mula sa ref.
Bago pa man ang laro, sar-isaring aberya muna ang dinanas ng Gilas. Ang mga tweet ni Many V. Pangilinana, puno ng Samahan ng Babsketball ng Pilipinas(SPB), na nagpapakita nito. Nakalilito kung nagkataon lang ba o sinadya talaga ang mga pangyayaring ito. Sa mga tweet ni Pangilinan, sinabi niyang na-delay ang electric bus na maghahatid sa Gilas mula sa hotel patungong Changsha Social Network College Gymnasium dahil hindi daw ito na-charge. Pagdatingsa gym, walang ticket angmga assistant coach at SBP members. Dahil sa hirap makakuha ng ticket, sa black market lang sila nakabili ngunit sa tripling halaga. Hulina ng Gilas kaya’t kaunti ang oras nila upang makapag-warm up. Heto pa, kasalukuyan ng nag wa-warm up ang Gilas ng biglang inayos ang ring sa panig ng Gilas. Ang resulta, walang warm-up ang Gilas.
Umani ng pambabatikos ang laro na ito hindi lang mula sa mga Pilipino, ngunit pati sa mga personalidad tulad ni Kawhi Leonard ng san Antonio Spurs ay dismayado sa mga referee. Maging aang official page ng NBA nagpahayag din ng kanilang sa loobin sa nangyari.
Ano’t ano pa man, malinaw na sinabotahe ang Pilipinas, ngunit kailangan pa din na tanggapin ang pagkatalo. Kakaharapin ng Gilas ang mas malalakas na kalaban sa Hulyo ng susunod ma taon sa 2016 FIBA qualifiers para makalaro sa Rio Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.