61 dedo, 104 sugatan sa bagyong Lando
Ni: Hazel Gane Pilapil
Malaking pinsala ang hinatid ng bagyong Lando sa mga karatig lugar ng Luzon particular na ang lalawigan ng Aurora na nauna ng pumasok sa Area of Responsibility noong linggo.
Ayon sa naitala ng Natinal Risk Reduction and Management Council, 61 katao ang nasawi at 104 naman ang sugatan bunga ng matinding hagupit nito sa ibat-ibang lugar.
Ang mga naiulat na namatay ay natagpuan sa lalawigan ng Zambales, Ilo-ilo, Benguet, Nueva ecija, Cagayan, Surigao del norte, Isabela, Arayat, Ilocos-sur, Pampanga, Pangasinan at Aurora sa magkaibang insidente kagaya ng pagkabuwal ng mga puno, natangay ng malakas na agos ng tubig baha at landslide.
Ang isang pampasaherong bangkang Jaymart ay lumubog sa karagatan ng surigao del sur dahil sa malalakas na alon na sa swerte ay naisalba ang 26 na mga pasahero nito ngunit sa kasawiang palad ay nalunod ang isa rito na si Teofilo Saguin.
Samantala, mahigit 9 bilyong piso ang kabuuang halagang naiwasiwas at nasira ng bagyong ito na itinuturing na pumapangalawa sa bangis ng Bagyong Yolanda na tumama sa bansa dalawang taon ang nakakalipas.