Heneral Luna, malaki ang pinatok sa takilya
Ni: Kate Esmeria
Ang historical biopic film na heneral luna ang ngayo’y hinirang na Highest Grossing historical Film sa Pilipinas matapos umabot sa higit kumulang 200 milyon ang kita nito.
Matatandaang ang pelikulang ito ay kamuntikan nang ipatanggal sa sinehan dahil hindi ito kumikita, ngunit dahil na din sa kampanya sa social network at magagandang feedback ng mga nakapanood nito, umabot na sa pang-apat na linggo nito ang naturang palabas.
Lubos na nagpapasalamat ang mga taong nasa likod ng tagumpay na ito.
Ang palabas din na ito ay ang napili bilang entry sa Best Foreign Language category sa 2015 Academy Awards at dahil dito ay kailangan nilang $2 milyon upang sa gagawing kampanya.
Ang kikitain ng Heneral Luna ay gagamitin din sa susunod na pelikula magpapakita naman ng buhay ni Gregorio del Pilar na ginagampanan ni Paulo Avelino sa Heneral Luna.