top of page

 

 

     Hindi nagtagumpay ang Gilas Pilipinas upang makamit ang inaasam-asam na kampeonato matapos silang talunin ng koponan ng China sa iskor na 78-67 pabor sa China noong ika-3 Oktubre, 2015. Ang ipinakitang athleticism ng mga manlaaro ng tsina. Ang homecourt advantage pa nila ang nagbigay tensyon sa mga manlalaro ng Pilipinas.

 

   Nagpahirap din sa gilas ang mga higante ng tsina, tatlo ang kanilang 7-footer na manlalaro. Nakapag tala ng 16 na puntos at 14 na mga rebound ang 7'1 na si Qi Zhou. Habang si Jianlian Yi ay pumukol ng 11. Hindi lang ang mga higante nila ang mga Nagpahirap sa gilas, gwardya na si Aikun Guo ay umukit ng 19 na puntos. 

 

    Ang naturalized player naman ng Gilas na si Andrey Blatche ay nakagawa ng 17 puntos at limang rebound lamang. Nahirapan naman si Calvin Abueva na makapuntos dahil sa laki ng mga poste ng Tsina, siya ay nakapagtala lamang ng siyam na puntos, gayun din si Terrence Romeo. Si Jason Castro-William naman ay nakapgtala ng walong puntos at si Ranidel De Ocampo naman ay siyam na puntos.

 

    Napanalunan ng Tsina  ang nag-iisang pwesto upang makasama sa 2016 Olympic games sa Rio de Janeiro, Brazil. Makakaharap nila ang mga nagkampeon sa bawat rehiyon sa buong mundo tulad ng; U.S.A, Brazil, Australia, Nigeria,Venezuela, Argentina, Spain, Lithuania at tatlo sa mga mananalo sa FIBA 2016 Qualifying Tournament.

 

    Maglalaban-laban ang; France, Serbia, Greece, Italy, Czech Republic, Canada, Puerto Rico, Mexico, Angola, Tunisia, Senegal, Iran, Japan at Pilipinas sa Hulyo sa susunod na taon para sa taltong pwesto upang makapaglaro sa 2016 Olympic games.  

Tsina, tinalo ang Gilas Pilipinas

sa 2015 FIBA Asia championship

Ni: Carlo Canlas

Letran Knights, umariba sa game 1

Ni: Hazel Gane Pilapil

               Sa  unang lusong palang ng laro ay nagpakitang gilas na agad ang Letran Knights nang matagumpay nitong nabigo ang San Beda Red lions sa pagbubugas ng 91st NCAA mens basketball sa Mall of Asia Arena Pasay noong biyernes ng gabi.

              Sa pangunguna nina Kewin Racal, Mark Cruz at Rey Nambatac sa isang pagsasanib pwersa , nagawa nilang itaas ang bandera ng koponan makaraang umiskor ng 94-90 dikit.

               May career-high na 28 puntos si Racal at ang kanyang dalawang free throws at follow up sa sariling mintis ang nagbigay sa letran ng 89-85 bentahe.

             Tatlong free throws sa dalawng magkahiwalay na plays ni Cruz ang nagtulak sa kalamangan sa lima, 92-87, pero naipasok ni Dan Sara ang isang triple para tapyasan ito sa dalawa, 92-90 sa huling 10.8 segundo.

              Si Nambatac ang kumuha ng bola at sa di maintindihang depensa ni Baser Amer, ay naiwan niyang bukas ang baseline na inatake ng Letran Player tungo sa pantiyak na panalong baslo na naghatid ng pagkalusot sa unang laro.

Puso vs. 'Luto'

Ni: Carlo Canlas

 

     Wagi ang Tsina sakanilang ginawang  ‘cooking show’ sa 2015 FIBA Asia championship laban sa Gilas Pilipinas sa isakor na 76 67 Changsha, China. Hindi katanggap-tanggap ang ginawang pandaraya ng koponan ng tsina sa Gilas, nagpapakabulag ang mga referee sa mga nagawa ng mga kamalian ng kopanan ng Tsina tulad ng foul at travelling violations nawalang tawag. Parang walang load ang mga referee na ito kaya hindi nila mapituhan ang Tsina.

 

     Samantalang pagdating sa Gilas, napakaselan nila, kaunting dikit lang foul na, at kapag ang manlalaro ng Gilas ay may dalang bola at binangga ng manlalaro ng Tsina, offensive foul pa ang itatawag ng referee pabor sa Tsino. Katulad ng isasanang fast break ni Jason castro, tinakbo niya kaagad ang bola  at ng ginitgit siya ng pagdatig sa kalagitnaan na ng court. Siya pa ang napituhan ng offensive foul . Ganyan  din ang dahilan kung bakit maagang na-foul truble an gating mga manlalaro.Marami pang ganyan, ng makaagaw ng bola si Gabe Norwood, tinamaan ang mukha niya ng kamay ng isangmanlalarong Tsino, saharap na mismo ng referee. Ngunit nagpakabulaglang ang ref at parang walang nangyari. Napaupo na lamang sa sakit si Norwood pero wala pa din tawag. Ganun din ang nangyare kay  Andrey Blatche, wala di padin pito na narinig mula sa ref.

 

     Bago pa man ang laro, sar-isaring aberya muna ang dinanas ng Gilas. Ang mga tweet ni Many V. Pangilinana, puno ng Samahan ng Babsketball ng Pilipinas(SPB), na nagpapakita nito. Nakalilito kung nagkataon lang ba o sinadya talaga ang mga pangyayaring ito. Sa mga tweet ni Pangilinan, sinabi niyang na-delay ang electric bus na maghahatid sa Gilas mula sa hotel patungong Changsha Social Network College  Gymnasium dahil hindi daw ito na-charge. Pagdatingsa gym, walang ticket angmga assistant coach at SBP members. Dahil sa hirap makakuha ng ticket, sa black market lang sila nakabili ngunit sa tripling halaga. Hulina ng Gilas kaya’t kaunti ang oras nila upang makapag-warm up. Heto pa, kasalukuyan ng nag wa-warm up ang Gilas ng biglang inayos ang ring sa panig ng Gilas. Ang resulta, walang warm-up ang Gilas.

 

     Umani ng pambabatikos ang laro na ito hindi lang mula sa mga Pilipino, ngunit pati sa mga personalidad tulad ni Kawhi Leonard ng san Antonio Spurs ay dismayado sa mga referee. Maging aang official page ng NBA nagpahayag din ng kanilang sa loobin sa nangyari.

 

     Ano’t ano pa man, malinaw na sinabotahe ang Pilipinas, ngunit kailangan pa din na tanggapin ang pagkatalo. Kakaharapin ng Gilas ang mas malalakas na kalaban sa Hulyo ng susunod ma taon sa 2016 FIBA qualifiers para makalaro sa Rio Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil.

© 2015 ANGULO nilikha ng mga magaaral ng unang taon ng peryodismo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

  • Facebook Clean
  • Twitter Clean
  • Google+ Clean
bottom of page