top of page

BUHAY ISKO…BUHAY ISKA…
BUHAY PUPian!

-Mary Hanna D. Laynesa

 

 

 

 

 

 

 

 

 

  Bukas papasok nanaman ako sa eskuwelahan. Panibagong gising ng maaga. Panibagong iskedyul. Panibagong patintero at habulan para makasakay ng dyip biyaheng "Stop and Shop". Panibagong pasensiya sa ibang isnaberong jeepney driver na kahit maluwag pa naman ayaw na magpasakay.Tapos trapik pa, yung totoo ako ba ay nasa EDSA? Pagkatapos lalakad o tatakbo papasok ng school area with tender loving care dahil baka masagi ka ng mga dumadaang kotse at pedicab sa mala-EDSAng Teresa. Klase na, lesson na, discussion na...blah blah blah...
          “Brainstorming” -Siguro may namuong low pressure area sa sobrang init ng classroom kaya ayun nag brainstorm na kami hahaha. Breaktime, merienda...lesson ulit. Tapos uwian...Tapos kakain kana sa mga sidewalk..o  kung matiyaga ka sa init ni Haring Araw pumunta ka sa main campus at maglakad papuntang canteen o sa ilalim ng dome kung saan maraming mabibiling pagkain. Yeah rak en rol. Sa pagkakaalam ko 35 pesos ang pinakamataas mong mabibili. May “FEWA” (Footlong with Egg Wrapped Around). May mga "Bentelog" . Alam natin ‘to mga PUPians!
          Hindi ako sanay ng ganito. Unang araw, unang lingo, masasabi ko talagang adjustment period, pero nasasanay na 'ko at nae-enjoy ko talaga.Mas masarap pala talagang mag-aral kapag marami kang adventure na pinagdadaanan. Mas nakaka eager lalo na't sinisigawan ka ng ibang pedicab driver ng "Tabi dyan!". Bago ka pumasok sa pamantasan ay ipapamukha talaga sa iyo ang totoong buhay, ang totoong nangyayari sa lipunan, mararaanan mo sa kalsada ang magkakatabing mga motel, ktv bars at iba pa. Sa kabilang kanto ay puro fast food chains, convenient stores at iba pang mga establisyimento, dadaan ka sa iskwater area, sa tabi ng mga riles ng PNR na kinakalawang na't lumang-luma na ang tunog. Maaamoy mo ang halimuyak ng ilog Pasig at makikita ang nagtataasang mga gusali at pabrika sa gilid nito. Haaayyy... pamantasang utak ang puhunan.
          Basehan para masabing prestihiyoso ang isang eskuwelahan? Hindi ito nababatay sa kung gaano kaganda o kahusay ang mga kagamitan. Hindi sa pagkakaroon ng mga matatalinong estudyante, kung gaano kamahal ang matrikula, o kung gaano kasikat o kagaling.Sa pag-aaral hindi dito puro pasarap, kailangan mong maghirap, kailangan mong magtiis at magsumikap. Mas masarap tumanggap ng diploma na alam mong tunay mo itong pinagpawisan. Simple lamang mga kaibigan, tinuturuan ka ng isang prestihiyosong eskuwelahan, na magkaroon ng prestihiyosong isipan…..

© 2015 ANGULO nilikha ng mga magaaral ng unang taon ng peryodismo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

  • Facebook Clean
  • Twitter Clean
  • Google+ Clean
bottom of page