top of page

Pilipinas, isa sa makupad na internet sa buong mundo

Ni Kate Esmeria

Ayon sa pinakahuling Ookla Speed test Survey, ang Pilipinas ang isa sa mga may pinakamabagal na internet, hindi lamang sa Asya, kundi maging sa buong mundo.


      Sa pamamagitan ng pagkukumpara sa ‘download speed’ ng mga konsyumer, lumabas na ang Pilipinas ay nasa ikaw-176 na pwesto lamang sa 202 na bansang nasurbey noong Mayo 2015. Nakuha ang resultang ito sa pag-aanalisa ng ‘test data’ sa mga bansa na noong ika-18 ng Abril 2015 hanggang ika-17 ng Mayo sa kaparehang taon.

                                              
       Kung ang resulta sa bansang Asya lang naman ang pagbabatayan, nasa pang-21 ang Pilipinas sa 22 na bansa. Ito ay dahil may 3.64 mbps lamang ang Pilipinas na lubos na mas mababa sa global average na 23.3 mbps.


      Ayon din sa report, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamahal na bayad sa internet na umaabot sa US$18.18, kung saan US$5.21 lamang ang global average. ‘Median monthly cost’ lamang ang halagang ito sa US Dollars kada mbps.


      Sa inilabas na resulta,ang Singapore ang may pinakamabilis na internet sa bilis na 122.43 mbps. Samantalang ang Afghanistan naman ang nasa pinakamababang pwesto sa download speed na 2.52 mbps.

© 2015 ANGULO nilikha ng mga magaaral ng unang taon ng peryodismo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

  • Facebook Clean
  • Twitter Clean
  • Google+ Clean
bottom of page