top of page

      Ayon sa pinakahuling Ookla Speed test Survey, ang Pilipinas ang isa sa mga may pinakamabagal na internet, hindi lamang sa Asya, kundi maging sa buong mundo.


      Sa pamamagitan ng pagkukumpara sa ‘download speed’ ng mga konsyumer, lumabas na ang Pilipinas ay nasa ikaw-176 na pwesto lamang sa 202 na bansang nasurbey noong Mayo 2015. Nakuha ang resultang ito sa pag-aanalisa ng ‘test data’ sa mga bansa na noong ika-18 ng Abril 2015 hanggang ika-17 ng Mayo sa kaparehang taon.


       Kung ang resulta sa bansang Asya lang naman ang pagbabatayan, nasa pang-21 ang Pilipinas sa 22 na bansa. Ito ay dahil may 3.64 mbps lamang ang Pilipinas na lubos na mas mababa sa global average na 23.3 mbps.


      Ayon din sa report, ang Pilipinas ay isa sa may pinakamahal na bayad sa internet na umaabot sa US$18.18, kung saan US$5.21 lamang ang global average. ‘Median monthly cost’ lamang ang halagang ito sa US Dollars kada mbps.


      Sa inilabas na resulta,ang Singapore ang may pinakamabilis na internet sa bilis na 122.43 mbps. Samantalang ang Afghanistan naman ang nasa pinakamababang pwesto sa download speed na 2.52 mbps.
 

BALITANG LOKAL

Pilipinas, isa sa pinakamakupad na internet

Ni: Kate Esmeria

 

Manila, Philippines – Ayon sa isang surbey ng isang traffic navigation app na Waze,  ang Maynila ay tinaguriang ‘’The city with the worst traffic on earth’’.

 

      Sa pinakaunang Global Driver Satisfaction Index, ang maynila ang nakakuha ng pinakamababang gradosa traffic index sa markang 0.4 (kung 10 angpinakamataas). Pinakamataas naman ang Rennes city sa France nasinundan ng Greensboro at Grand Rapids sa US.

 

        AngPilipinas, bilangisangbansa, ay nakatanggap din ng pinakamababang grado sa kaparehang marka na 0.4. ang pinakamagandang bansa daw upang magmaneho ng sasakyan ay ang Netherlands, sinunda nito ng Slovakia at Sweden.

 

      Ang resulta ng traffic index ay galing sa data namula sa haba ng trapiko, oras ng commute mula bahay hanggang trabaho, at ang bilis ng daloy ng sasakyan kapag rush hour.

 

       Ayon sa Waze ang pag-aaral na ito ay base karanasan sa pagmamaneho ng higit kumulang 50 milyong motorista sa 32 bansa.

 

 

 

 

 

Maynila bilang "Worst traffic on earth"

Ni: Kate Esmeria

     Ang historical biopic film na heneral luna ang ngayo’y hinirang na Highest Grossing historical Film sa Pilipinas matapos umabot sa higit kumulang 200 milyon ang kita nito.

      Matatandaang ang pelikulang ito ay kamuntikan nang ipatanggal sa sinehan dahil hindi ito kumikita, ngunit dahil na din sa kampanya sa social network at magagandang feedback ng mga nakapanood nito, umabot na sa pang-apat na linggo nito ang naturang palabas.

      Lubos na nagpapasalamat ang mga taong nasa likod ng tagumpay na ito.

      Ang palabas din na ito ay ang napili bilang entry sa Best Foreign Language category sa 2015 Academy Awards at dahil dito ay kailangan nilang $2 milyon upang sa gagawing kampanya.

       Ang kikitain ng Heneral Luna ay gagamitin din sa susunod na pelikula magpapakita naman ng buhay ni Gregorio del Pilar na ginagampanan ni Paulo Avelino sa Heneral Luna.

 

Heneral Luna, malaki ang pinatok sa takilya

Ni: Kate Esmeria

Diskwalipikado pa rin si poe- Tatad

Ni: Hazel Gane Pilapil

     Panibagong kasong muli ang kakaharapin ni Sen. Grace Poe, na isinampa laban sa kanya ni dating senador Francisco “kit” Tatad sa Commissions on Elections.

    Nakapaloob sa kasong ito na hindi maaaring magpatuloy sa pangangandindato para sa pagkapangulo si poe dahil sa di pagsunod nito sa Article 7 ,Section 2 ng Constitution kaugnay ang mga kwalipikasyon ng isang presidential candidate.

    Nauna na niyang inihayag na hindi pa rin natural born filipino ang senadora dahil sa siya’y isang ampon dagdag pa na bigo niyang makumpleto ang 10 year residency requirement.

     Kabuntot sa pagpasa ng senador ang kumatawan kay Rizalito David na si Atty. Manuelito Luna na naunang nagsampa ng kaso kay poe sa senate electoral tribunal.

      Depensa naman sa kampo ni poe sa pangunguna ni Win Gatchalian, isa umano itong maduming taktika na nais lang humadlang sa pagtakbo sa halalan 2016 ng senadora.

61 dedo, 104 sugatan sa bagyong Lando

Ni: Hazel Gane Pilapil

Istriktong ipapatupad

                    Voter’s registration, di na palalawigin

Ni: Hazel Gane Pilapil

    Hindi napapayag ng mga kongresista si House Committee On Suffrage Chairman Fredinil Castro na iusog pa ang petsa ng pagpaparehistro ng mga botante para sa halalan 2016.

    Aniya, kung hahayaan niyang tumagal ang pagpaparehistro ng mga ito, magiging kampante na naman ang mga botante at mawawalan ng disiplina.

     Giit niya ay maaapektuhan nito ng husto ang paghahanda para sa 2016 elections ng Commission on elections.

     Nauna na nilang itinakda na sa katapusan ng oktubre ang voter’s registration at validation ng biometrics ng taong kasalukuyan.

    Katwiran naman ng mga kongresista, maaabot lamang ang tunay na reporma kung ang lahat ng mga pilipinong botante ay mabibigyan ng opurtunidad na makapamili ng mga bagong pinuno sa bansa.

 

 

 

Matapos mapatunayang guilty

       19 PNP officials, tinanggal sa                              trabaho!                  Ni: Hazel Gane Pilapil

          Pinapaalis sa serbisyo ng tanggapan ng Ombudsman ang 19 sa opisyal ng Phillipine National Police 

maraang mapatunayang guilty sa maanomalyang pagbili ng police coastal grafts na nagkakahalaga ng 4.54 milyong piso noong 2009.

         Ang rubber boats ay sinasabing binili ng walang public bidding at kahit may depekto ay nakalusot pa rin na pumasa sa acceptance criteria.

        Pinasisibak sa serbisyo dahil sa kasong Grave misconduct sina P/SSupt. Asher dolina, P/SSupt Ferdinand Yuzon, P/SSupt. Cornelio Salinas, P/SSupt. Thomas Abellar, P/SSupt Nepomuceno Magno Corpus, Jr., P/SSupt. Rico Payonga, P/CSupt. Reynaldo Rafal, P/CSupt. Rizaldo Tungala, P/SSupt. Alex Sarmiento, PSSupt. Aleto Jeremy Mirasol, P/Supt. Michael Amor Filart, PO3 Avensuel Dy, P/SUPT. Job Marasigan, P/Supt. Leodegario Visaya, P/CInsp. Juanito Estrebor, at P/CInsp. Renelfa Saculles.

        Bukod sa napaalis sa serbisyo, hindi na rin sila hinayaang magtrabaho sa gobyerno, walang retirement benefits at kinansela ang civil cervice eligibility.

  Disqulification Case, ikinagulat ni pacquiao

Ni: Hazel Gane Pilapil 

       Ikinabahala ni Sarangani  Rep. Manny Pacquiao ang inihaing disqualification case laban sa kanya ng Commission on Elections dahil sa  kanyang palagiang pagliban.

       Si Pacquiao ay desididong tatakbo sa 2016 senatorial electons sa ilalim ng United Nationalist Alliance.

        Subalit ayon sa kanya ay kukunsultahin niya muna ang kanyang mga abogado tungkolsa kinasabitang kaso na nagpadeklara rin sa kanya bilang nuisance candidate.

        Kampante naman ang kongresista na marami pa rin siyang tagasuporta na naninindigang walang basehan ang isinampa sa kanya.

        Saad pa ni Sevilla, hindi nabigyan ng pormal na representasyon ni pacman ang kanyang constituents sa Sarangani dahil naging masyado siyang tutok sa boxing shooting para sa tv show at Basketball games.

        Ngunit sa huli ay nagpasyang hindi na muna i-eentertain ng ahensya ang reklamo ni sevilla dahil bigo siyang makapagbigay ng 10,000 Filling Fee.

       Malaking pinsala ang hinatid ng bagyong Lando sa mga karatig lugar ng Luzon particular na ang lalawigan ng Aurora na nauna ng pumasok sa Area of Responsibility noong linggo.

       Ayon sa naitala ng Natinal Risk Reduction and Management Council, 61 katao ang nasawi at 104 naman ang sugatan bunga ng matinding hagupit nito sa ibat-ibang lugar.

       Ang mga naiulat na namatay ay natagpuan sa lalawigan ng Zambales, Ilo-ilo, Benguet, Nueva ecija, Cagayan, Surigao del norte, Isabela, Arayat, Ilocos-sur, Pampanga, Pangasinan at Aurora sa magkaibang insidente kagaya ng pagkabuwal ng mga puno, natangay ng malakas na agos ng tubig baha at landslide.

     Ang isang pampasaherong bangkang Jaymart ay lumubog sa karagatan ng surigao del sur dahil sa malalakas na alon na sa swerte ay naisalba ang 26 na mga pasahero nito ngunit sa kasawiang palad ay nalunod ang isa rito na si Teofilo Saguin.

      Samantala, mahigit 9 bilyong piso ang kabuuang halagang naiwasiwas at nasira ng bagyong ito na itinuturing na pumapangalawa sa bangis ng Bagyong Yolanda na tumama sa bansa dalawang taon ang nakakalipas.

LTO, may bagong ipapatupad sa Nobyembre

Ni: Hazel Gane Pilapil

        Sa katapusan ng Oktubre ay isusumite ng Land Transportation Office ang mga bagong patakaran at alituntunin sa pagkuha ng  Driver's license para sa proffesional, non-professional, student's permit at conductor's license.

        Sa ilalim nito ay hindi na magbibigay ang ahensya ng lectures at seminars bago ang written at practical examination kundi bibigyan nalang ang mga aplikante ng reviewers.

        Ang humahawk naman g student's permit ay bibigyan ng reviewers na nasa tanggapan ng ahensya at maging sa online ng departamento ng transportasyon at website ng nasabing opisina.

        Ang mga hindi pinalad sa basic driving theory at practical driving tests ng dalawang beses ay hindi na hahayaang mag-apply uli ng lisensya sa loob ng isang taon at ang mga bumagsak ng tatlong beses ay hindi na makaka-apply ng lisensya sa loob ng dalawang taon.

© 2015 ANGULO nilikha ng mga magaaral ng unang taon ng peryodismo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

  • Facebook Clean
  • Twitter Clean
  • Google+ Clean
bottom of page