Pinahanga ng pinay 'girl group' ang mga manonood ng 'X-Factor UK'
Showbiz
Ika-14 ng Oktubre, 2015
Ni: Baltazar O. Alvarez
Ang apat na magkakapatid na lumaki sa Isabela ay nangingibabaw sa listahan bilang pinakamagaling na nagawdisyon sa ika-12 na edisyon ng X-factor UK.
Ang magkakapatid na sila Mylene, Celina, Irene and Almira ang binubuo ng grupong tinatawag na "4th Power" ng banyagang bansa ay sadyang nagpamalas ng sa pag-awit at pagpe-perform sa insternasyunal na entablado. Kanilang inawit ang sikat na kanta na 'Bang Bang' na orihinal na kinanta nila Jessie J., Ariana Grande, at Nikki Minaj.
Hindi lang ang mga manonood ang pinahanga ng mga dalaga kundi pati na rin ang mga hurado sabay sabay na tumayo sa kanilang mga kinauupuan pagkatapos ng kanilang ng kanilangpinakitang pag-awit.
Sinabi ng grupo na lumipad pa galing Pilipinas at ang dahilan ng kanilang pagsali ay nais nilang makita si Simon Cowell at ang reyna ng Ingglatera na si Queen Elizabeth II.
Ang grupo ay sumali naren sa mga iba't ibang patimpalak sa Pilipinas, gaya ng “Pinoy Idol,” “It’s Showtime” at “Talentadong Pinoy”.
Nakilala rin sila sa iba't ibang pangalan, gaya ng "Gollayan Sisters", at "The Cercados" at sila ay mapalad na nakasali sa isang kompetisyon sa South Korea bilang "MICA". Sa galing kanilang taglay na galing at karanasan, sila ay umabot sa huling parte ng programa.
Kumpirmado narin ang kanilang pag-usad sa susunod na round ng kompetisyon at marami sa mga manonood ang naghahambing sa grupong "Little Mix", na nanalo na noong 2011.
Elizabeth Ramsey, namapayapa na sa edad na 83
Ika-8 ng Oktubre, 2015
Ni: Baltazar O. Alvarez
Dalawang buwan na ang nakakalipas nang magkaroon ng ilang komplikasyon sa kalusugan kabilang na pag-atake ng 'hyperglycemia' o pagtaas ng glucose sa dugo, tuluyan nang namaalam ang batikang aktres at komedyante na si Elizabeth Ramsey ngayong Huwebes, ika-8 ng Oktubre.
Ayon sa 'Facebook post' ng anak na si Jaya, pumanaw ang kaniyang ina sa edad na 83 habang natutulog.
"Mama Beth is now with our Lord... 83 years has been full. Love and laughter, she has given not just our family but the whole nation. Thank you for your love and prayers and I rejoice because she passes in her sleep. In peace," paliwanag ni Jaya
Bb. Pilipinas Tourism 2015, Ann Lorraine Colis, wagi bilang Miss Globe 2015
Ika-8 ng Oktubre, 2015
Ni: Baltazar O. Alvarez
Naiuwi sa wakas ng isang Pilipina ang kauna-unahang korona ng bansa sa Miss Globe 2015. Ang Pilipinang ito ay waling iba kundi si Ann Lorraine Colis.
Ilang linggo ring namalagi si Colis sa Toronto, Canada upang sungkitin ang korona para sa Pilipinas.
Nitong araw ng Biyernes (oras sa Pilipinas), natupad na nga ang dalangin ng dalaga. Siya ay kinoronahan sa nasabing pageant sa Rose Theatre Brampton, Toronto.
Ang tagumpay ni Colis ay naka-post na sa official FB page ng Binibing Pilipinas. “We would like to congratulate Ms. Ann Lorraine Colis for clutching the Miss Globe 2015 title during the finals held at Rose Theatre Brampton in Toronto, Canada,”, nakasaad sa Binibining Pilipinas FB page.
51 mga kandidata mula sa iba't ibang panig ng mundo ang tinalo niya sa patimpalak.
Nagwagi naman bilang 1st runner-up si Miss Albania, 2nd runner-up si Miss Macedonia, 3rd runner-up si Miss China at 4th runner-up si Miss France.
Noong nakaraang taon, ang pambato ng Canada na si Jacqueline Wojciechowski ang itinanghal na Miss Globe 2014.
Labanan ng 'ratings';
GMA 'versus' Abs-cbn
Ni: Hazel Gane Pilapil
Talaga nga namang pinuputakti na ngayon ng mga komento at mga kritiko mapasiesta man o social media ang pagarangkada ng mga bagong pakulo sa tanghali sa dalawang magkalabang network. Pero siguro, dahil sa nauna nang umere ang kalye seryeng pinagbibidahan ng tambalang ALden-yaya DUB sa GMA 7, nadaig nito sa ratings ang PASTILLAS naman ng ABS-CBN. Mapapasaltak ka nga naman dahil mas umiinit na ngayon ang isyu sa pagitan ng dalawang magkatunggaling network. Kamakailan nga lamang ay nagpalitan ng maaanghang na tweet sa social media si Vice Ganda at Joey De Leon. Nakakaloka dahil itong si vice ay mapagkumbaba at di mapaghamon ang kanyang mga post kaiba sa ugali niya sa pagiging mapanlait ngunit ito namang si joey na kilala na sa pagiging mapagpatol ay walang sawang nagpaparinig sa kanya. Kung magbabalik-tanaw kayo, ang Showtime noon ay pumalo rin sa mataas sa ratings dahil sa ibat-iba nilang pasabog ngunit nag-iba ata ang ihip ng hangin dahil ang kinakikiligang love-team ngayon ay binansagan talagang AL-DUB NATION dahil sa dagliang pagusbong at pagsikat sa pilipinas. Ngunit anu't- ano pa man ay hindi dapat lumaki ang ulo ng taga-siete dahil baka dumating na naman yung time na malugi ulit ang show nila. Naku lang ha!
Halimbawa ng nagbabagang tweet ni joey laban sa Showtime

Malinaw na malinaw naman sa mga mata ng kababayan natin, na pinaparinggan ni joey ang show nila vice, kasagsagan noon ng A-DUB ng tumambad sa katapat nilang kalye serye ang PASTILLAS, as in hello no? halata naman kasi ang panggagaya nila nang habulin ng isang manliligaw si pastillas girl sa broadway na siyang saktong-sakto sa ginawa ni alden kay yaya dub. Pero darating rin ang time na makakabangon ang dos, sa TAMANG PANAHON ika nga ni lola ni Dora, aja!