top of page

Balitang Internasyonal

Apat na katao namatay sa pananalasa ng 'Kabayan' sa China

Ni: Jhazzie Basit

     Apat na katao sa China ang namatay sa pananalasa ng bayong Kabayan na galing sa Pilipinas na noo'y nasa China.

 

     Noong nakaraang araw lamang nag land fall ang bagyong "Kabayan" o ang international name nitong Mujigae sa probinsya ng Guangdong sa China. Maliban sa 4 na namatay, 80 katao pa ang nagtamo ng injury nang humagupit ang buhawi sa lungsod ng Foshan sa China.

     

     Makikita ngayon sa internet ang mga larawan ng baha, ang mga bumaliktad na sasakyan bunsod ng malakas na hangin pati na din ang nabuwal na punong kahoy sa lansangan ng China

Pinakamalaking theme park sa China, magbubukas na

NI: Jhazzie Basit

        Ngayon linggo magbubukas na sa China ang pinakaaabangang theme park sa Yunnan sa South West China.

        Ang halaga ng theme park na ito ay umabot sa $2.5 bilyong halaga at sumusukat ng 5.3 square kilometer sa laki ang theme park na Wanda Xishuangbanna International Resort.

        Ang naturang theme park ay naitayo makalipas na apat na taong pag gawa nito sa sobrang lako.

        Ang theme park na ito ay may roller coaster na may taas na 45 meters na nasa kalagitnaan ng kagubatan at meron ding 27 recreational facilities ang park na ito.

DFA, kinumpirmang walang pilipinong nasaktan sa lindol

sa Chile

Ni: Jhazzie Basit

        Kinumpirma na ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang pilipinong nasaktan o napaano sa 8.3 magnitude quake na tumama sa Central Chile.

         "So far we have not received report of Filipinos affected by the earthquake in Chile," sabi ni DFA Spokeman Charles Jose sa isang text message.

         Sinabi ni Jose na mahigit 300 daang pilipino ay kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa Chile.

         Ayon sa reports, 5 tao ang namatay at mahigit isang milyong residente sa Chile ang nagsilikas dahil sa naturang lindol.

         Ang 8.3 magnitude na lindol ay magresulta ng 15 feet na tsunami na tumama sa baybayin ng Coquimbo Region.

         Dahil sa tsunami alarm, nagbigay ng tsunami alert ang Philippine Institute Volcanology and Seismology sa 20 probinsya ng bansa ngunit klaripikadong walang lumikas sa mga ito

OFW sa Saudi Arabia,commatose matapos gahasain at maltratuhin ng sarili nitong amo

Ni: Jhazzie Basit

     Matinding kalbaryo ang sinapit ng isang overseas filipino worker o OFW sa Saudi Arabia matapos ito maltratuhin at gahasain. Lehitimo naman daw ang ahensiya na nagpadala sa babang ito ngunit ito ay kwestiyonable sa mga migrante kung bakit siya nakaalis gayong siya pala ay menor de edad pa lamang.

     Ayon sa ulat, noong ikaw 19 ng Setyembre ng iwan siya ng kanyang amo sa Saudi Welfare Office na may ilang sugat sa ulo't katawan at hindi ito makausap. Sinasabing posibleng ito ay ginahasa ayon sa kaniyang medical exam matapos itong ma comatose nitong nakaraang Setyembre 24.

     Nasabi na na inilapit na ng migrante ang kaso ng babae sa POEA sa pangambang biktima ito ng human-trafficking. Nag beripikahin, lumabas na pinadala ang biktimang babae sa isang lehitimong ahensya na siya pang accredited pa ng recruited firm sa POEA.      Ayon din sa ina ng biktima, matagal na itog nakakaranas ng pagmamaltrato at ito ay tinatakot na ibebenta ito ng kaniyang amo kaya naman gustong gusto na nitong umuwi. Humihngi na ng tulong ang mga kamag anak ng biktima sa ahensya para mabigyan ito ng katarungan.

© 2015 ANGULO nilikha ng mga magaaral ng unang taon ng peryodismo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

  • Facebook Clean
  • Twitter Clean
  • Google+ Clean
bottom of page